Noong ika-9 ng Setyembre 2022 ay ginanap ang Ceremonial Signing of the Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 11767 o Foundling Recognition and Protection Act na kumikilala sa mga foundlings bilang natural-born Filipino citizens na may pantay na karapatan katulad ng bawat Pilipino.
Bawat bata ay mahalaga, saan man sila nagmula, ano man ang kwento ng kanilang nakaraan, ating tungkulin na tulungan silang maghilom, mabigyan ng tamang gabay, oportunidad sa lipunan at sa buhay na malayang mapili ang kinabukasang nais nilang tahakin, at mabigyan ng kalinga at pagmamahal na nararapat sa kanila.
Paano ang proseso bilang Prospective Adoptive Parents o PAPs? Ang mga indibidwal o mag-asawa na may intensyong mag-ampon ay kailangang sumailalim sa legal na proseso. Sila ay magpapasa ng aplikasyon ng pag-aampon at iba pang kinakailangang dokumento na susuriin ng kinauukulan. Ang mga sumusunod ay ang unang bahaging pagdadaanan ng proseso ng pag-aampon upang maging Prospective Adoptive Parents o PAPs
Ang National Authority for Child Care ay nakikiisa sa selbrasyon ng Universal Children's Day in the Philippines na idiniklara sa pamamagitan ng Proclamation No. 265 s. 1967.
Happy Universal Children's Day sa lahat ng kabataang Pilipino na nagsisilbing inspirasyon ng ating pamahalaan na mabigyan ng masaganang kinabukasang may pantay-pantay na karapatan at kalayaang abutin ang mga pangarap. 💙♥️💛🇵🇭
#NACC #EveryChildDeservesLove #EveryChildMatters
Nilagdaan noong Biyernes, ika-9 ng Setyembre, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 11767 o mas kilala bilang
Foundling Recognition and Protection Act sa pangunguna nina DSWD Secretary Erwin T. Tulfo at NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada. Ang RA11767, ay ang batas na kumikilala at nagbibigay ng karapatan sa mga foundlings, o mga batang iniwan, inabandona, o pinabayaan, na kilalanin bilang isang natural-born Filipino at magtamasa ng pantay na karapatan ng isang batang Filipino na may kinikilalang magulang.
The National Authority for Child Care (NACC) is newly created attached quasi-juducial agency of the Department of Social Welfare and Development (DSWD)
All duties functions, and responsibilities of the ICAB, the DSWD, and other government agencies relating to alternative child care and adoption will be transferred to NACC.
MAY PANAWAGAN KA BANG NAIS NA IPAABOT SA PUBLIKO at sa National Authority for Child Care (NACC) tungkol sa kapakanan ng isang batang nawawala, naulila, o nangangailangan ng isang pamilyang makakapagbigay sa kanya ng nararapat na kalinga at pagmamahal?
Sa pakikipagtulungan ng NACC sa 702 DZAS - FEBC Radio, ay maaari niyo na pong ipadala ang inyong mga PANAWAGAN [via-Email] sa "dzasinfo@febc.ph"
The Adoption and Alternative Child Care Week with the theme “Journeying Together: Discovering the New Law and Celebrating Legal Adoption;” on the 9th and 10th of June 2022, 9 AM to 5 PM, LIVE here on the Official Facebook Page of the National Authority for Child Care (NACC)
Provison of Inter-Country Adoption programs and services: policy formulation, regulatory services, entrustment services, networking and advocacy, post-legal adoption services, and support services.