Menu

Philippine Standard Time:

News and Updates

NACC, dumalo sa Singapore National Day

Dumalo ang mga kinatawan ng NACC sa Singapore National Day 2023 na pinangunahan ng Embassy of the Republic of Singapore in Manila. Ang tema ngayong taon ay “Onward as One”. Ang Singapore ay tahanan ng mahigit 200,000 Filipinos na mga pawang residente at manggagawa sa kanilang lungsod. Ang Pilipinas at Singapore ay may 55 taon nang magkasama na itinataguyod ang iisang layunin at aspirasyon.

2024 National Budget ng DSWD, dininig ng mga mambabatas

Sumalang sa Budget Deliberation noong nakaraang linggo ang DSWD at mga attached at supervised agencies, kabilang ang NACC sa Kongreso sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian. Dumalo ang mga kinatawan ng NACC na sina Undersecretary Janella Ejercito Estrada at Assistant Secretary Madeline Arezu Jam.

NACC SULONG SA GENDER AND DEVELOPMENT PROGRAM (GAD) AGENDA

Ang Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710) ay tinutukoy ang Gender and Development Program (GAD) bilang pag sulong ng pananaw at proseso na magbi-bigay kapangyarihan, matuwid, pagpapanatili, at malayo sa karahasan, respeto sa karapatang pantao, suporta sa determinasyon sa sarili at akwtalisasyon ng potensyal ng tao. Layunin nitong makamit ang gender equality bilang pangunahing importansya na magsa salamin sa pagpili sa kapakanan at mapanindigan na ang kababaihan ay aktibong alagad ng kaunlaran, at hindi taga-tanggap lamang ng pag-unlad at progreso. Tampok ng GAD sa Gender Mainstreaming ang: - Patas na benepisyo ng mga babae at lalaki patungkol sa kanilang alalahanin at karanasan bilang mahalagang parte ng implementasyon, pagsu-suri ng polisiya at programa at mga proyekto na pang lipunan, politikal, sibil at larangan ng ekonomiya. - Pagbibigay halaga at pagsu-suri ng implikasyon ng mga kababaihan at kalalakihan sa anumang planadong aksyon kasama ang lehislasyon, polisiya at programa sa lahat ng larangan at antas. Ang implementasyon ng GAD sa mga ahensya ng gobyerno ay galing sa batas at Presidential issuances.

Unang bahagi ng Five-Year Strategic Plan ng NACC, sinimulan na

Alinsunod sa pagpapa-lawak ng tungkulin ng National Authority for Child Care (NACC), isang Five-year Strategic Plan ang isinagawa para sa pagsasa-ayos ng lahat ng programa, proseso, aktibidad at rekurso upang makamit ang mga layunin at matiyak na ang NACC at Regional Alternative Child Care Office (RACCO) ay mapag tulungan ang mandato na naka atas sa ilalim ng Republic Act No. 11642. Isinagawa ang unang bahagi ng strategic plan, ang Component 1: Environmental Scanning and Situational Analysis (SWOT) Analysis and Rapid Performance Review ang NACC sa patnubay ng Development Academy of the Philippines (DAP).

AKBB MOA Signing with LGU-Pres. Manuel A. Roxas

Nagsagawa ng MOA Signing ang LGU ng President Manuel A. Roxas sa pamumuno ni Hon. Ismael A. Renquijo Jr. at NACC na pinamumunuan ni Usec. Janella Ejercito Estrada para sa Aruga at Kalinga para sa mga Bata sa Barangay (AKBB). Ang AKBB ay isa sa mga foster care programs ng NACC kung saan naglalayong makabuo ng mas maraming foster families sa mga komunidad o barangay. Ito rin ang kauna-unahang MOA sa pagitan ng LGU at NACC.

BISIG-KLETA, a bike ride for a cause to support Alternative Child Care Week. #EveryChildMatters

MANILA - As part of the end of the celebration of Adoption and Alternative Child Care Week, the National Authority for Child Care (NACC) will hold an uplifting bike ride for a cause called BISIG-kleta in partnership with Cycle House PH and Go for Gold. ...

A New Era in Adoption and Alternative Child Care: #EveryChildMatters

MANILA - The process of adoption has been streamlined under R.A. 11642 and administered by the National Authority for Child Care (NACC) so it wouldn't be a painful and tedious process for the adoptive parent applicants. There are 5,053 children in child caring agencies and 1,245 of them are available for adoption. “Clearly, these children are placed in a situation nobody would want to be in. But their innocence, their hopefulness and their faith that good things that will change their lives are sure to come..." stated NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada....

CEREMONIAL SIGNING OF THE IRR OF RA11767​

Nilagdaan noong Biyernes, ika-9 ng Setyembre, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 11767 o mas kilala bilang
Foundling Recognition and Protection Act sa pangunguna nina DSWD Secretary Erwin T. Tulfo at NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada. Ang RA11767, ay ang batas na kumikilala at nagbibigay ng karapatan sa mga foundlings, o mga batang iniwan, inabandona, o pinabayaan, na kilalanin bilang isang natural-born Filipino at magtamasa ng pantay na karapatan ng isang batang Filipino na may kinikilalang magulang.