Menu

Philippine Standard Time:

Ceremonial Signing of the IRR of RA11767

“IN THE BEST INTEREST OF THE CHILD, ‘yan po ang lagi nating sambit. Let us be proactive, rigorous, and be more loving and caring. WE ARE ALL THEY HAVE.”- Undersecretary Janella Ejercito Estrada
Nilagdaan noong Biyernes, ika-9 ng Setyembre, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 11767 o mas kilala bilang Foundling Recognition and Protection Act sa pangunguna nina DSWD Secretary Erwin T. Tulfo at NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada. Ang RA11767, ay ang batas na kumikilala at nagbibigay ng karapatan sa mga foundlings, o mga batang iniwan, inabandona, o pinabayaan, na kilalanin bilang isang natural-born Filipino at magtamasa ng pantay na karapatan ng isang batang Filipino na may kinikilalang magulang.
Ang NACC ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nagtaguyod at sumuporta sa batas na ito upang matulungan at mabigyang proteksyon ang mga foundlings. Ang pagpirma ng IRR ng batas na ito ay simula pa lamang ng malayong lakbayin para sa ating mga foundlings at mga batang iniwan at pinabayaan. Ngunit malayo man, pasasaan pa’t mararating din natin ang ating destinasyon patungo sa tagumpay ng ating adhikain.
We have already taken a step towards our destination through the passage of RA 11642 and its IRR, another step again, through the passage of RA 11767, and now, another step has been taken through this ceremonial signing of the IRR of RA 11767.
And from here, to the coming days, we will continue taking steps at a time patungo sa tagumpay ng ating mga adhikain at mga parangarap, para sa mga kabataan ngayon, bukas, at mga susunod pang henerasyon.
💙♥️💛